Tila naumpog na hinliliit sa kanto ng mesa ang pakiramdam
Keber kung ala singko'y shampoot sabon ang agahan
Paano bang ito'y kakawaya't iisnabin ng hmmmp lamang
Kung ang maging bulok na patatas ay langit sa kutsong tunay naman
hubad mong sinasayawa't inaakit ang aking isipan
ako'y nililipad ng kilig, naka-angkas sa walis mong tangan ng marahan
habang akap ko ang ulap na ikaw, binuo ng aking isipan
naamoy bango ng yong pangakong sakit, gulo't kasiyahan
sa pagyakap nitong mga salita sa puso mo't kaluluwa
ako'y iwan mo ng kaunting pag-asa gamit ang de-kuryenteng pluma
sumpa mong bukas sa ilang milyong pusong pagal
sa akin nawa'y maging oda'ng sing ganda ng rosal
I have the tendency to spoil things that are supposed to be fun, plain and simple. I don't know why. To probably make it last forever, I think.
Pacquiao winning his fight with Cotto, led me to the conclusion that he sold his soul to the devil, and the devil's gaining more than just the normal interest.
Nais kong maging maligaya't malaya panandali, katulad ng sa ligayang lumalandi sa kumakaripas na dagang bahay habang ninamnam ang unang singhap sa simoy ng kalayaan, ilang segundo bago magsumilsik at bumarena sa kaniyang laman ang mainit na tae ng sana'y kabaliktaran at malamig na pinsan ng water gun, tulad ng barbecue stick sa barbecue'ng hilaw pa ang laman.
Pangarap kong muli'y makasakay, doon sa sakayan ng jeep.
Kung saan hindi aandar hanggat hindi puno and trip
Templong afro'ng malilim, mainit man o maulan
Pila ma'y mahaba't, kasunod na toratora'y mabagal
I wish the people blurred and the screaming lullabyes last
Never notice who's beside me, and who's staring whose ass
Wasted rides, fares and times, I wish they'd stop
Doon sa sakayan ng jeep, wish I could x the now, play the past.
More Free Music at MP3-Codes.com